The end is near – Calida KASAKIMAN NG ABS-CBN PUPUTULIN

“I could now hear the voice of Frank Sinatra’s reasoning “And now the end is near”.

Ganito inilarawan ni Solicitor General Jose Calida ang kinabukasan ng maimpluwensyang ABS-CBN corporation dahil dumating na umano ang panahon ng pagpapanagot sa kanilang paglabag sa batas.

Sa pamamagitan ng zoom, humarap si Calida sa Joint Hearing ng House committee on legislative franchise at committee on good government and public accountability o Blue Ribbon committee (ng Kamara) sa prangkisa ng ABS-CBN, idinetalye nito ang mga paglabag ng nasabing network hindi lang sa kanilang prangkisa kundi sa iba pang umiiral na batas sa bansa.

Kabilang sa mga tinukoy ni Calida ang pagkakaroon ng multiple channel tulad ng ABS-CBN convergence gayung isang istasyon lang aniya dapat ang pinatatakbo ng nasabing korporasyon.

“ABS-CBN corporation violated the nature and scope of its legislative franchise under RA. 7966 when it allowed another entity, ABS-CBN Convergence to make use and abuse the legislative

franchise granted to ABS-CBN corporation. ABS-CBN convergence has no legal authority to broadcast under RA. 8332,” ani Calida.

Binanggit din nito na labag sa prangkisa ng ABS-CBN ang paniningil nito ng P30 o P99 sa mga pelikula, boxing shows, concert at iba pa na mapapanood sa kanilang Kapamilya Box Office (KBO) Channel.

Maging ang pagbebenta ng ABS-CBN ng Philippine Depository Receipts (PDRs) sa mga dayuhan ay idinetalye ni Calida na isang paglabag sa Saligang Batas dahil ipinagbabawal ang mga hindi Filipino na magmay-ari ng isang broadcast network.

“For decades now ABS-CBN has been deceiving the Filipino people. Time has come to expose ABS-CBN, whose owners and corporate officers continue to deceive the Filipino people into believing that they are “in the service of the Filipino,” ani Calida.

“In truth however, ABS-CBN is motivated not by service but by greed and a desire for power and influence.

Their brazen acts must come to an end. The hour of reckoning may have been delayed, but it has now come,” aniya pa.

Ipinagtanggol din nito ang sarili sa pagpapanagot sa ABS-CBN at hindi umano nila ito ginagawa para sa sariling kapakanan kundi para sa sambayanang Filipino. BERNARD TAGUINOD

175

Related posts

Leave a Comment