NAMUMURO ang tinatawag na “The Great Resignation” sa hanay ng mga manggagawa sa Pilipinas dahil binabarat ang mga ito ng kanilang mga employer at maging ng gobyerno sa kanilang sahod.
Ito ang nabatid mula kay Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas kaya hinamon nito si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na abatan ngayon pa lamang ang problemang ito dahil kung hindi ay babagsak ang mga industriya sa bansa kapag tuluyan na silang layasan ng kanilang mga empleyado.
“The ‘Great Resignation’ phenomenon, which has been observed globally, has significantly affected various industries in the country. Many employees have been forced to leave their jobs due to low wages worsened by the rising inflation, as well as job dissatisfaction, lack of upward mobility, lack of benefits, and policies that do not prioritize their well-being,” ani Brosas.
Sa huling pag-aaral aniya ng PageGroup, 83 percent sa mga respondent sa Pilipinas na pawang mga empleyado, ang nagpaplanong mag-resign sa kanilang trabaho dahil maliit ang kanilang sahod at maghahanap na lamang ng ibang oportunidad.
Bukod sa maliit na sahod, marami sa mga empleyado ang nagkakasakit kaya ang solusyon ng mga ito ay mag-resign na lamang kaysa maisakripisyo ang kanilang kalusugan.
“It is clear that employees are reassessing the definition of quality work and actively pursuing more meaningful work experiences. The solution to this is to increase salaries and offer comprehensive work benefits,” paliwanag ni Brosas.
Dahil dito, maraming kumpanya aniya ang nagpapatulad ng work-from-home upang makaiwas na dagdagan ang sahod ng mga manggagawa subalit tinatambakan naman ang mga ito ng trabaho.
“Ang gumaganansya lang dito ay ang mga kumpanya dahil patuloy lang ang pagkamal nila ng kita nang hindi nagtataas ng sahod,” ani Brosas.
Kaya bago mangyari aniya ang “The Great Resignation” ay dapat iutos na ni Marcos ang pagsasabatas sa House Bill (HB) 7568 o P750 across the board wage increase.
“Raising the workers’ salary is a crucial step towards addressing the ‘Great Resignation’ phenomenon in the Philippines. Certifying these bills as urgent will bring direct and concrete relief to millions of Filipino workers across the country, ensuring that their wages are sufficient to meet their basic needs and improve their quality of life,” ani Brosas.
(BERNARD TAGUINOD)
233