TIGIL-RECRUITMENT SA PMA KINONTRA NG AFP

(NI AMIHAN SABILLO)

HINDI makatutulong sa Armed Forces ang panawagan ni AKO BICOL Rep. Alfredo Garbin na ipahinto ang recruitment sa mga bagong kadete ng Philippine Military Academy (PMA).

Ayon kay AFP Chief of Staff (COS) Lt. Gen. Noel Clement, kapag itinigil ang recruitment, maapektuhan nito ang kinubukasan ng AFP.

Sa PMA umano kumukuha ng bagong sundalo at opisyal na kapalit ng mga magreretiro at mga nasasawi sa digmaan. Ayon kay Clement “PMA produces the biggest bulk of the junior officers that we have. If we stop the recruitment at PMA, our future projections and our replacement for those who retired and for our casualties will be affected.”

Bagama’t hindi perpekto ang organisasyon, marami na umano ang nabago  at hindi nito kailanman ipinag-utos ang hazing o pagmamaltrato sa kapwa.

Bagama’t aminado ang AFP na may nangyayari pa ring hazing kaya naman nais nilang kumuha ng third party mula sa labas ng akademya upang maglatag ng mga rekomendasyon sa reporma o pagbabago sa PMA.

281

Related posts

Leave a Comment