(NI BERNARD TAGUINOD)
NAKASALALAY sa hatian ng puwesto sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang katatagan ng liderato ni “presumptive Speaker” Allan Peter Cayetano ng Taguig-Pateros.
Ginawa ni Albay Rep. Edcel Lagman ang pahayag dahil matapos mangialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa Speakership ay ang mga matataas na posisyon naman ngayon ang pinag-aagawan.
“Current grumblings in the House are the usual infighting for choice positions of Deputy Speakers, Committee Chairmen, Vice Chairmen, and ranking members, among fellow partisans which would test the mettle and fortitude of a leader,” ani Lagman.
Dahil dito, hindi isinasantabi ng mambabatas na posibilidad na may maglunsad ng kudeta laban sa liderato ni Cayetano lalo na’t hindi lahat ay makukuha ang mga gusto nilang committee at posisyon sa Kamara ngayong 18th Congress.
“Considering that the members of the supermajority coalition are allied with President Rodrigo Duterte, the possibility of a coup from allies to subvert the President’s anointment of presumptive Speaker Alan Peter Cayetano is nil,” ayon pa kay Lagman.
Iba aniya ang kaso ni Cayetano kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez na inalis sa puwesto sa mismong araw ng State of the Nation Addres (SONA) ni Pangulong Duterte noong Hulyo 23, 2018.
Pinalitan ni dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo si Alvarez, hindi dahil marami ang hindi masaya sa kani-kanilang puwesto sa Kamara kundi dahil sa tinatawag na external forces na ayaw sa Davao del Norte Congressman.
“The ouster of Speaker Pantaleon Alvarez was different. It was not a coup but a mutiny of a disgruntled crew orchestrated by an external force, ” ani Lagman.
141