(NI DAVE MEDINA)
TINULUYAN ng Food and Drug Administration (FDA) na pawalang bisa ang certificate of product registration (CPR) ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.
Sa Dengvaxia isinisisi ang mabilis na pagkawala ng tiwala ng publiko sa imunisasyon sa mga bata bunsod ng maraming insidente ng kamatayan sa libu-libong kabataang nainiksyunan noong panahon ng Aquino administrasyon
Sa naturang pagbawi ng rehistro ng Dengvaxia,, bawal na ang importasyon, pagbebenta at pamamahagi kahit libre ang naturang bakuna.
“Their failure to comply leaves us no other recourse but to impose the maximum penalty of revocation of the CPRs covering the Dengvaxia products ,” sabi ni FDA Director General Nela Charade Puno.
Magugunitang lumikha ng maraming reaksyon, karamihan ay galit at takot sa masamang epekto umano ng Dengvaxia sa mga tinuturukang kabataan, ang nasabing bakuna.
Sa tala ng Department of Health (DoH) , bumagsak sa 40 porsyento mula sa dating 70 porsyento ng mga lugar ng mga nababakunahan sa buong kapuluan simula nang sumabog ang isyu ng kamatayang may kinalaman sa Dengvaxia vaccine.
Kamakailan ay ipinagsampa na ng kaso sa hukuman ang ilang dating matataas na opisyal ng DoH kabilang ang kasalukuyang DoH Secretary Francisco Duque III.
147