TINAMAAN NG COVID-19 SA MUNDO, 6 MILYON NA

MAHIGIT anim na milyon na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling ulat, umakyat na sa kabuuang 6,031,023 ang tinamaan ng nasabing virus sa iba’t ibang bansa.

May pinakamarami pa ring kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na nakapagtala na ng 1,793,530 cases. Sinundan ito ng Brazil na may 468,338 kaso. Ang Russia naman ay may 387,623 habang ang Spain ay may 285,644.

May 2,659,270 naman ang kabuuang bilang ng mga naka-recover sa sakit sa buong mundo habang ang mga nasawi ay umakyat na sa 366,812.

Umabot na sa 6,634 ng nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, sumampa na sa 16,600 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Kasunod ito ng naitalang 1,046 kaso ng Department of Health (DOH) kamakalawa.

Sa nasabing bilang, 46 lang umano ang bagong kaso na naitala sa nakalipas na 3 araw. D. ANIN

141

Related posts

Leave a Comment