PINAGLOLOKO at iniinsulto ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang sambayanan lalo na ang mahihirap na hindi mabigyan ng totoong trabaho ng gobyerno.
Ganito inilarawan ni dating Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite ang pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na kahit isang oras lamang ang trabaho ng isang Pinoy kada araw ay bilang na ito bilang “employed”o may trabaho.
“This is both deeply insulting and grossly misleading. Defining employment in such a narrow way ignores the reality of economic hardship faced by millions of Filipinos and serves only as a means to artificially lower unemployment statistics,” ani Gaite.
Naniniwala ang dating mambabatas na sadyang ginawa ito ng DOLE para takpan ang kanilang kabiguan na mabigyan ng trabaho ang Pinoy na pinangakuan ng Marcos Jr., administration ng maayos na buhay noong 2022 presidential election.
Base sa pinakahuling report ng Philippine Statistic Authority (PSA), tumaas ang unemployment rate ng 4.7 percent noong Hulyo 2024 o katumbas ng 2.3 milyon Pinoy ang walang trabaho. (BERNARD TAGUINOD)
55