TRAFFIC PLAN SA CHRISTMAS SEASON IPINALALATAG SA MMDA

(NI BERNARD TAGUINOD)

DAHIL kakaiba na ang sitwasyon sa mga lansangan sa Metro Manila, pinangangambahan ng isang mambabatas na magkaroon ng breakdown sa traffic management lalo na ngayong Christmas season.

Ito ang dahilan kaya umapela si Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na maghanda ng traffic plan dahil inaasahan na mas lalala pa ang situwasyon sa Disyembre.

“As the volume of vehicles along major Metro Manila routes and roads rises to unprecedented levels during Christmas, the MMDA has to prepare to prevent breakdown of traffic management,” ani Castelo.

Sinabi ng mambabatas, na kailangang tukuyin na ng MMDA ang mga bagong ruta na puwedeng gamitin ng mga motorista dahil inaasahan na mas darami pa ang mga sasakyan pagpasok ng Christmas season.

Kailangan din aniyang seryosohin ang paglilinis sa mga alternatibong kalsada na humaharang sa mga motorista tulad ng mga vendors, basketball courts at mga imprastraktura.

“Perform an information campaign about the alternative routes and roads and prepare a budget for the new traffic scheme,” ayon pa kay Castelo at kailangan aniyang madaliin na ito.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil nitong mga nakaraang mga araw ay mistulang lalong lumala ang problema sa trapiko sa Metro Manila at kung hindi ito magawan ng paraan ay lalo pa itong lalala sa Disyembre.

“In some routes, we have instances of the inability to manage traffic flows, as most vehicles get stalled in heavy traffic jams. What’s more during the Christmas season?”  tanong pa ni Castelo.

 

161

Related posts

Leave a Comment