TRAINING NG ELECTION INSPECTORS MAPUPURNADA

comelec12

(NI DAVE MEDINA)

MANGANGANIB  na maapektuhan ang pagsasanay ng mga Board of Election Inspectors (BEI) para sa gagampanang tungkulin sa May midterm elections.

Ito ang sinabi ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez sa panayam kaugnay ng isyu hinggil sa hindi pa inaaprubahang 2019 proposed national budget dahil sa hindi pagkakaintindihan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso.

Maliban sa pondo para sa training, nasa bingit din ng alanganin ang honorarium ng mga magsisilbing BEI.

Gayunman, hinahanapan na umano ng paraan ng Comelec kung saan “makakahiram” ng pondo para sa training ng mga guro mula sa pondo ng iba pang programa nila dahil hindi kasama sa ginagamit na reenacted budget ng nakaraang taon ang pondo para sa honorarium at training expenses ng mga BEI.

Hindi naman umano maiiwasang makasama rin sa mga maapektuhan dito ang mga supervisors ng Department of Education (DEPED) at kanilang support staff na kinabibilangan ng mga technicians na mayroong kani-kaniyang trabaho para sa May 2019 midterm elections.

 

126

Related posts

Leave a Comment