TRANSPORT HOLIDAY: 30-K SASAKYAN NAKA-OFFLINE

ltfrb22

TINATAYA sa 30,000 ride-sharing cars ang inaasahang lalahok at magiging offline, sa Lunes, para sa transport holiday.

Sinabi ni Jun De Leon, chair ng Metro Manila Hatchback Community, na offline ang mga driver ng alas-6:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi. Gayunman, hindi sila lalahok sa kalsada o kilos protesta sa kalye.

Sinabi ni De Leon na ang mga miyembro ng transport network vehicle service (TNVS) community ay humihiling ng pag-aalis ng ban ng mga polisiya na pahirap sa  mga drivers at sistema sa pagkakaroon ng permit to operate.

Idinagdag pa na una nang pumayag ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na magsagawa ng operasyon ang hatchback ng TNVS units hanggang 2021 base sa Memorandum Circular 2018-005 na inisyu noong nakaraang taon.

Gayunman, ngayong taon, nagdeklara ang LTFRB na hindi na maaaring bumiyahe ang hatchbacks sa ride-sharing services dahil hindi umano ito ligtas.

“Yun lang naman po ang kahilingan namin sa LTFRB na ipatupad ang memorandum circular na yun,” sabi ni De Leon.

Pinahirapan din umano sila ng banko sa pagkuha ng ilang certificate kung kaya’t hinihiling nila sa ahensiya na gumawa ng ibang paraan para mapadali ang kanilang operasyon.

 

134

Related posts

Leave a Comment