TRAPIK TUWING LUNES AT BIYERNES LULUWAG SA 4 DAYS WORK WEEK

NLEXTRAFFIC12

(Ni BERNARD TAGUINOD)

Trapik luluwag tuwing Lunes at Biyernes sa sandaling maipatupad ang 4 days work week na binuhay sa Mababang Kapulungan ng Kongreso upang maibsan ang problema sa trapik sa Metro Manila.

Sa panukala ni Cavite Rep. Pidi Barzaga, nais nito na papasok ang mga empleyado ng gobyerno mula Lunes hanggang Huwebes habang ang manggagawa naman sa pribadong sektor ay mula Martes hanggang Biyernes.

“Under this scheme, the traffic volume on Mondays and Fridays will be minimized since there will be less employees coming to work on these days. On Monday, no employees from the private sectors and on Fridays no government employees will come to work,” ani Barzaga.

Sa kasalukuyan ay mas matindi ang trapik tuwing Lunes at Biyernes kesa sa mga regular na araw bagay na nais ng mambabatas na maiwasan kapag naipatupad ang 4 days work week.

Sa ilalim ng nasabing panukala, ang mga empleyado ay magsisimula sa kanilang trabaho mula 7  ng umaga hangagng 6 ng gabi at may breaktime na mula 12 ng tanghali hanggang ala-una ng hapon.

“Considering also the early time of work at 7AM, employees will have to wake up and travel earlier than usual, thereby easing the rush hour. Same is true with their later time of going home at 6PM,” ayon pa sa kongresista.

Ang rush hour ay karaniwang nagsisimula tuwing alas-sais ng umaga habang alas-singko naman sa hapon kaya nais ni Barzaga na maipasa ang nasabing panukala sa lalong madaling panahon.

Maliban dito, magkakaroon na umano ng sapat na panahon ang mga empleyado sa kanilang pamilya  dahil 3 araw na ang kanilang magiging bakasyon kada linggo hindi tulad ngayon na nauubos ang kanilang oras sa trapik.

Dahil sa mahabang pahinga, makakaiwas din umano na umano ang mga empleyado sa mga sakit dulot ng trapiko tulad ng highblood at stress.

128

Related posts

Leave a Comment