TRAVEL BAN ‘DI BABAWIIN MALAKANYANG DEDMA SA ‘GANTI’ NG TAIWAN

DEDMA lang ang Malakanyang sa banta ng Taiwan na babawiin nito ang visa free entry sa mga Pinoy dahil sa travel ban na ipinataw ng gobyerno.

Ang katwiran ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ay ordinaryo lamang ang visa at madali lang naman kumuha nito.

Ang prayoridad aniya kasi ng Pangulo sa ngayon ay ang kapakanan ng kalusugan at kaligtasan ng mga Filipino.

“Alam mo, ang sabi ni Presidente, maselan ang problema ng kalusugan ng ating mga kababayan, iyon ang kanyang primary consideration – iyong safety, kaya nagkaroon ng travel ban. Sinasabi niya, bigyan ninyo ako ng panahon to ponder over it kung ili-lift natin. Pero sa ngayon, iyong kalusugan ng mga kababayan natin ang nasa isipniya.

Unang-una, alam ninyo iyong sa visa, ordinaryo naman iyon eh; madali lang naman kumuha ng visa eh,” ani Sec. Panelo.

Sa kabilang dako, pinabulaanan ni Sec. Panelo ang bintang ng Taiwan na may kinalaman ito sa political issue at hindi health issue.

“Hindi totoo iyon dahil hindi naman tayo gumagalaw nang ganoon, palaging health issue tayo,” anito.

Kaugnay nito, wala namang nakikitang dahilan si sec. Panelo para magkaroon pa ng official communication ang Executive Department sa gobyerno ng Taiwan hinggil sa usaping ito. CHRISTIAN DALE

179

Related posts

Leave a Comment