TRAVELER’S PET I-QUARANTINE DIN

HINDI lamang mga biyahero ang kailangan sumailalim sa ‘quarantine protocols’ kundi maging ang kanilang bitbit na alagang hayop sa pagpasok sa bansa.
Paglilinaw ito ng Bureau of Quarantine (BOQ).

Ayon kay BOQ Deputy Director Roberto Salvador Jr., ang quarantine sa mga alagang hayop ay pinamamahalaan ng Bureau of Animal Industry (BAI).

“Ang BOQ ay para sa humans, ang aso ay sa BAI. Magkahiwalay po tayo ng procedures,” ayon kay Salvador.

Kailangan umano na may nagbabantay sa mga hayop na pinaparating sa Pilipinas at sila ay ang mga beterinaryo ng BAI.

Wala pa namang panuntunan sa pagsasailalim sa test sa pets bago makapasok sa bansa, ngunit may mga tukoy na bakuna na kailangang ibigay sa mga hayop bago maipasok sa Pilipinas.

Ang paglilinaw ng BOQ ay bunsod ng maraming kahilingan ng mga biyahero na maisama ang alagang hayop na ayaw nilang maiwan sa pinanggalingang bansa dahil walang mag-aalaga. (RENE CRISOSTOMO)

4

Related posts

Leave a Comment