TRO VS DETALYADONG PRESYUHAN SA LANGIS HININGI

oil

(NI ROSE PULGAR)

UPANG mapigilan ang pagpapatupad ng ‘unbundling policy’ sa mga produktong-petrolyo, humirit ng magkahiwalay na temporary restraining order (TRO) ang kumpanyang Pilipinas Shell at Petron laban sa pamunuan ng Department of Energy (DOE).

Nitong Huwebes ay humingi ng TRO ang Shell sa Taguig City Regional Trial Court habang isang pang korte sa Mandaluyong City na kung saan nagpasaklolo naman ang Petron Corporation.

Nauna nang gumawa ng kahalintulad na hakbang ang mga grupo ng Petroleum Institute of the Philippines (PIP) sa isang korte sa Makati City noong nakaraang buwan.

Ito ay dahil kontra ang dalawang kompanya ng langis sa kautusan ng DoE  na magsumite ng detalyadong cost computations ng kanilang mga produktong petrolyo at Liquefied Petroleum Gas (LPG).

Nabatid na ayaw ng dalawang kompanya sa polisiya ng kagawaran na iulat ang kanilang kita.

Ayon sa Shell bagama’t kinikilala nila ang mandato ng DoE na subaybayan ang paggalaw ng presyo ng langis, naniniwala ito na ang utos ng ahensya ay magiging daan para sa pagbabalik ng regulasyon sa industriya.

Sinabi pa ng kompanya ng langis na malabo ang polisiya at imposibleng masunod ang kagustuhan ng ahensya.

177

Related posts

Leave a Comment