TUBIG KAPOS NA NAMAN; ANGAT DAM KRITIKAL

angatdam12

(NI DAHLIA S. ANIN)

NAGBABALA  ang Maynilad at Manila Water sa kanilang mga kostumer sa posibleng pagkakaroon muli ng water interruption dahil sa patuloy na pagsadsad ng water level sa Angat dam.

Nasa 164.4 metro pa ang level ng tubig sa Angat dam noong Miyerkoles na maaari pang bumaba sa 160 metro sa susunod na 10araw na ayon sa mga water concessionaire ay nasa kritikal na level pa din.

Patuloy naman na pinaghahandaan ng Maynilad at Manila Water ang patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa dam na maaaring magresulta ng pagbawas nila ng alokasyon at panibagong rotational water interruption.

Ayon kay Manila Water spokeperson Jeric Sevilla, kailangan nilang magbawas ng produksiyon kapag hindi na kaya ng planta ang dumi sa tubig na nakukuha mula sa low level outlet.

“Nagstock naman kami ng mga water treatment chemicals na posibleng tataas ng ating konsumo para lang ma-address ‘yong tinatawag na manganese saka yung high turbidity sa Angat,” sabi ni Ronald Padua, tagapamuno ng water supply operations sa Maynilad.

Tiniyak naman ng National Water Resources Board (NWRB) na walang bawas ang alokasyon ng mga water concessionaire hanggang sa Hulyo.

Sinubukan na din umano nilang buksan ang low level outlet sa Angat dam na huling ginamit noong 2010 at bubuksan kapag bumaba sa 160 metro ang level ng tubig.

137

Related posts

Leave a Comment