(NI DAHLIA S. ANIN)
MATAPOS ang sunud-sunod na pagtaas ng antas ng tubig sa Angat dam, bahagya itong bumaba, ayon sa monitoring ng Pagasa.
Bumaba sa 177.39 meters ang lebel ng tubig sa dam mula sa 177.60 noong Lunes.
Bukod sa Angat ay bumaba rin ang tubig sa La Mesa dam ng 0.03 meters o 76.63 meters mula sa 76.66 noong Lunes.
Maging ang Ipo dam ay bumaba rin sa 100.33 meters mula sa 100.49.
Gayundin ang Pantabangan dam na bumaba na sa 195.51 mula sa 195.58 meters.
Ang Magat dam na mula sa 184.85 ay bumaba sa 184.65 at ang Caliraya dam sa 287.45 meters mula sa 287.68.
Patuloy naman sa pagtaas ang Ambuklao dam sa 750.99 mula sa 750.85. Ang Binga dam ay tumaas din sa 574.40 mula sa 573.72. At ang San Roque dam ay tumaas din sa 265.01 mula sa 264.54.
Matatandaan na noong nakaraang Linggo ay sunud-sunod ang pagtaas ng tubig sa dam dahil sa pagdaan ni Bagyong Hanna sa bansa at pinalakas din nito ang Habagat na siyang nagpaulan sa bansa.
Sa ngayon ay mahina ang epekto ng Habagat sa Kanlurang bahagi ng Northern at Central Luzon ayon sa Pagasa.
157