TUBIG SA ANGAT DAM PATULOY SA PAGTAAS

ANGATDAM

(NI DAHLIA S. ANIN)

MATAPOS ang sunud-sunod na pag- ulan na dala ng habagat, muling tumaas ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa tala ng Pagasa, pumalo sa 161.45 meters ang lebel ng tubig sa Angat mula sa 161.35 meters noong Sabado ng umaga.

Mas mataas na ito sa critical level ngunit mas mababa pa din sa normal level na 180 meters.

Tumaas din sa 73.37 meters ang tubig sa La Mesa dam mula sa 73.21 noong Sabado.

Matatandaan na ang patuloy na pagbaba ng tubig sa Angat dam noong mga nakaraang buwan ang nagtulak sa regulator na bawasan ang alokasyon ng suplay ng tubig sa Metro Manila mula 4 billion liter kada araw na nagig 3.1 billion liters na lang hanggang sa kasakukuyan.

Ayon sa National Water Resources Board kailangan pa ng Angat watershed ng 2 hanggang 3 bagyo upang muling tumaas ang tubig sa dam at ng bumalik sa normal ang operasyon nito.

Nagdala ng ulan noong nakaraang Linggo ang Bagyong Falcon at Goring sa malaking bahagi ng Luzon na naging dahilan upang maragdagan ang tubig sa Angat.

Magpapatuloy naman ang pag-ulan dala ng habagat sa Ilocos Region at Cordillera Administrative Region, habang ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng localized thunderstorm, ayon sa Pagasa.

143

Related posts

Leave a Comment