TUBIG SA ANGAT MALAYO SA NORMAL HIGH LEVEL

angatdam12

(NI DAHLIA S. ANIN)

MALABO umanong maabot ng Angat dam ang target na 212 meters na normal high water level nito, ayon sa Pagasa.

Hindi rin umano sapat ang dami ng ulan na papasok sa bansa ngayong Nobyembre at Disyembre para mapuno ang dam.

Sa pinakahuling tala ng monitoring ng Pagasaay bumaba na naman sa 185.87 meters ang antas ng tubig sa dam mula sa 186.23 noong Miyerkoles. Pati ang Ipo Dam ay nasa below maintaining level din na 100.37 mula sa 100.43 meters.

Lumilihis ang mga bagyo na dapat ay papasok sa bansa kaya hindi napupunan ang tubig na kailangan ng dam.

Ayon kay Senior Hydrologist Danny Flores ng Pagasa, kailangan mapuno ang dam bilang paghahanda sa darating na tag-init o tagtuyot kung kailan walang darating na pag ulan sa bansa.

Sabi naman ng National Water Resources Board (NWRB) na babawasang muli ang alokasyon ng tubig para sa Metro Manila at karatig lugar kung hindi maabot ng Angat dam ang normal high water level nito, ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David.

177

Related posts

Leave a Comment