TULFO MANANATILING SPECIAL ENVOY SA CHINA

mon tulfo21

(NI BETH JULIAN)

PINALAWIG pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment ni Ramon Tulfo bilang Special Envoy for Public Diplomacy to China.

Ipinalabas ng Malacanang ang appointment paper na may petsang May 27.

Si Tulfo ay una nang itinalaga ni Pangulong Duterte sa parehong posisyon sa loob ng anim na buwan simula noong Oktubre 2018 at pinalawig pa ito ng anim pang buwan.

Kasama ring inilabas ng Palasyo ang appointment paper para sa bagong National Statistician ng Philippine Statistics Authority sa katauhan ni Undersecretary Claire Dennis Mapa para sa limang taong panunungkulan kapalit ni Liza Grace Bersales.

Bagamat naiulat na, Martes  lamang inilabas ng Palasyo ang appointment paper ni Associate Justice Henri Inting gayong ang petsa kung kailan siya itinalaga ng Pangulo ay noong pang Pebrero 22.

Ilan pa sa mga itinalaga ni Duterte na mga bagong opisyal ng gobyerno ay mula sa National Commission on Indigenous People, Department of Foreign Affairs at Department of Education.

 

126

Related posts

Leave a Comment