(NI CHRISTIAN DALE)
TININTAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isang joint resolution na magpapalawig pa sa pagbibigay tulong sa mga biktima ng human rights violation noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Tiniyak mismo ni Executive Secretary Salvador Medialdea na sa pamamagitan ng Joint Resolution No. 04, maaari pa ring makakuha ng kompensasyon ang mga biktima ng human rights violations.
Iyon ay sa kabila ng hanggang May 2018 lamang ang itinatakda ng batas para sa pagproseso ng Human Rights Victims Claims Board.
Sinabi ni Medialdea, kaya nagpalabas ng joint resolution ang Pangulo ay dahil hindi natapos ng board ang pagproseso sa mahigit 75,000 applicants pa at hindi na rin magagamit ang pondo para sa claimants.
Puwede aniyang makapag-proseso pa ang mga biktima ng human rights violations hanggang sa December 31, 2019.
Habang, binibigyan ng awtoridad ang Bureau of Treasury and Land Bank para mag-release ng pondo, habang ang Commission on Human Rights (CHR) naman ang mamamahagi nito.
207