TULUNGAN N’YO AKO SA LOOB NG 15 BUWAN — CAYETANO

congress

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY ARCHIE CRUZ POYAWAN)

UMAPELA  si House Speaker Alan Peter Cayetano sa kanyang mga kasamahang mambabatas ngayong 18th Congress na tulungan ito para maipasa ang lahat ng mga panukalang batas na makakatulong sa sambayanang Filipino.

Ginawa ni Cayetano ang nasabing apela matapos mahalal bilang Speaker sa botong 266 kontra sa 28 boto na nakuha ng kanyang kalaban at inaasahang maging minority leader na si Manila Rep. Benny Abante.

“Sa lahat po sa inyo, sa miyembro ng 18th Congress, sa lahat ng nagdarasal sa ating Kongreso, maraming-maraming salamat po sa inyong tiwala. Sana po ako’y maging worthy at sana po ay tulungan niyo ako para sa loob ng 15 na buwan ay mapagsilbihan po natin ang ating mga kababayang mabuti at lahat po ng nasa legislative agenda, ubusin na natin at ipasa na natin dahil mas magandang magawa na natin ito kaagad,” ani Cayetano.

Magsisilbi bilang House Speaker si Cayetano sa loob ng 15 buwan matapos katigan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang term-sharing nilang dalawa ni Marinduque Rep. Lord Alan Velasco.

Nangangahulugan na bababa bilang Speaker si Cayetano Oktubre 2020  at papalitan na ito ni Velasco na mananatili naman ito sa puwesto hanggang sa Hunyo 2022.

Bukod sa mga priority bills ng Duterte administration na kailangang maipasa umano sa lalong madaling panahon ay nais din ni Cayetano na baguhin ang pananaw ng taumbayan sa Kongreso.

“People love their congressmen, but they love to hate Congress. This is something I ask all of you in unison. Let us change that because this is the House of the People. We should respect, and love our congressman but we should also feel that the House of Representatives is the House of the People,” ani Cayetano.

“Tayo po ang takbuhan ng sambayanan. We will do what is right, so that we will have a Congress that is relevant, responsive and reliable. United and we commit to God, our people the work of the 18th Congress,” dagdag pa ni Cayetano sa kanyang acceptance speech matapos mahalal.

128

Related posts

Leave a Comment