U.S. NAVY FIGHTER JET BUMAGSAK SA KARAGATAN NG PILIPINAS

NANANATILING limitado ang inilalabas na detalye ng U.S. Navy sa kanilang counter part sa Pilipinas maging sa media hinggil sa ulat na pagbagsak ng isang U.S. Navy F/A-18F Super Hornet sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Sa inisyal na ulat na nakarating sa punong himpilan ng Philippine Navy, matagumpay na naka-eject ang dalawang crew ng F18 fighter jets at na-rescue ng ang mga ito ng isang MH-60S Sea Hawk helicopter mula sa Helicopter Sea Combat Squadron 8 (HSC 8) na nakatalaga rin sa Nimitz class aircraft carrier Theodore Roosevelt.

Sinasabing naganap ang sakuna sa gitna ng nagaganap na “routine flight operations” noong Huwebes ng alas-10:00 ng gabi.

Hindi na nilinaw ng mga opisyal kung ano ang nangyari sa routine flight at kung bakit kinailangan na mag-eject ang piloto at weapons systems officer nito na umano’y kapwa nasa maayos nang kondisyon, ayon sa TR medical team.

“Big Stick” returned to deployment June 4 after it was sidelined for 10 weeks in Guam due to a COVID-19 outbreak that infected 1,273 sailors, more than 25 percent of the carrier’s crew, nakasaad pa sa ulat. (JESSE KABEL)

77

Related posts

Leave a Comment