UMENTO SA LOOB NG 3 TAON SA GOV’T WORKERS

govt workers11

(NI BETH JULIAN)

GOOD news sa government employees.

Hanggang matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay makatatanggap ang mga kawani ng pamahalaan ng taunang umento sa sahod.

Ito ang tiniyak ni Department of Budget and Management (DBM) acting Budget Secretary Wendel Avisado na sa bisa ng panukalang Salary Standardization Law (SSL), makatatanggap ng dagdag-sahod ang lahat ng civilian government workers sa bansa.

Nakasaad na simula sa taong 2020 ay mabibigyan ng dagdag-sahod sa loob ng tatlong taon ang mga kawani ng gobyerno saan ang inilaang pondo rito ay aabot sa P31.1 bilyon na nakapaloob sa miscellaneous personnel benefit funds sa panukalang P4.1 trillion proposed national budget.

230

Related posts

Leave a Comment