UN SASAKLOLO RIN SA ‘ODETTE’ VICTIMS

SINIGURO ng isang opisyal ng United Nations (UN) na isinasagawa na ang “coordinated response” mula sa organisasyon at katuwang nito para tulungan ang mga biktima ng paghagupit ng bagyong Odette.

“The reports and images of utter devastation they are sending back are heartbreaking and our deepest sympathies go out to those who lost so much, including loved ones,” ayon kay UN Resident and Humanitarian Coordinator in the Philippines Gustavo Gonzalez.

Aniya, ang UN agencies, non-government organizations (NGO), katuwang sa pribadong sektor ay gumagawa na ng hakbang para makapagbigay ng pabahay, maayos na kalusugan, pagkain, proteksyon at iba pang “life-saving responses” sa mga apektado.

“We are coordinating with the Government authorities to ensure we provide timely support and are fully mobilized in addressing critical gaps and the needs of the most vulnerable,” ayon kay Gonzalez.

Pinuri naman nito ang propesyonalismo ng front-line responders sa pangunguna ng Philippine government officials, Philippine Red Cross, at iba pa sa evacuation, search, and rescue efforts “in very difficult circumstances and logistics.”

Ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay agad dineploy para magdala ng tulong sa mga apektadong lugar. (CHRISTIAN DALE)

4

Related posts

Leave a Comment