(NI JOEL O. AMONGO)
IPINASARA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pamamagitan ng kanilang Task Force POGO ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) service provider na matatagpuan sa Subic Freeport, Eastwood, Quezon City at Aseana City, Paranaque.
Kabilang sa mga pinadlock kahapon ay ang mga opisina ng Great Empire Gaming and Amusement Corporation (GEGAC) sa mga nabanggit na mga lugar.
Ang pagpapasara sa nasabing kompanya ay pagtupad sa direktiba mula kay Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez.
Ang POGO service provider ay ipinasara dahil sa paglabag sa Section 115 (b) na may kaugnayan sa Section 236 ng National Internal Revenue Code of 1997 na inamyendahan (Tax Code).
Sa resulta ng pagsusuri, lumalabas na ang GEGAC ay hindi rehistrado sa VAT na kung saan lumabag sa Section 108 vis-a-vis ng Section 115 ng Tax Code bilang certified ng Revenue District Office 019 – Subic Bay Freeport Zone.
Ang closure order ay inisyu ni BIR Deputy Commissioner for Operations Group Arnel SD. Guballa.
375