UPDATED FILING NG EMPLOYERS SA BIR PINATITIYAK NG SOLON

PINAYUHAN ng isang mambabatas sa Kamara ang mga empleyado na tiyaking ina-update ng kanilang employers ang income tax returns (ITR) sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ginawa ni House deputy minority leader Bernadette Herrera ang payo kahapon kaugnay ng deadline ng BIR para sa paghahain ng annual income tax returns ngayong araw, Abril 17.

Ayon sa mambabatas, walang babayarang buwis ang mga empleyado na hindi lalagpas sa P250,000 ang sahod sa buong taon kaya hindi na kailangang maghain ang mga ito ng kanilang ITR.

“If your only source of income is compensation income or salary and you have a certificate of final withholding tax, you need not file an income tax return because that withholding tax certificate is your document proof of what is called substituted filing, which means your employer filed your ITR for you do not have to file an ITR anymore,” ayon sa mambabatas.

“But just make sure your employer is updated on remitting to the BIR those taxes withheld,” dagdag pa nito upang hindi umano magkaproblema pagdating ng panahon.

Nilinaw rin ng mambabatas na anomang sobra sa P250,000 na income kada taon at hindi lalagpas ng P3 million ay 8 porsyento lamang ang babayarang buwis base aniya sa Section 5, paragraph c ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Aminado ang mambabatas na maraming empleyado ang hindi pa nakakaalam sa probisyon ng nasabing batas at nagbabayad ng 15% pagkatapos maibawas ang unang P250,000 sa kanilang annual income.

“Another pro-taxpayer provision is the Optional Standard Deduction of 40% which can be availed of by those mixed-income and business-income taxpayers whose incomes are over P3 million in a taxable year,” paliwanag pa ng solon. (BERNARD TAGUINOD)

280

Related posts

Leave a Comment