URSABIA, BAGONG PCG COMMANDANT

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay George Villareal Ursabia, Jr. bilang commandant ng Philippine Coast Guard (PCG).

Tinintahan ng Pangulo ang appointment paper ni Ursabia ngayong araw, Hunyo 1.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kumpiyansa sila na sa pagkakatalaga kay Ursabia bilang bagong commandant ng PCG ay mapaglalapit nito sa pananaw na ‘world-class guardian of the sea’ ang institusyon.

“We wish the new Commandant good luck as he begins to lead the PCG in this challenging time,” ayon kay Sec. Roque.  CHRISTIAN DALE

76

Related posts

Leave a Comment