US NAGPAALALA SA CLAIMANTS: ‘WAG GUMAMIT NG DAHAS

wps22

(NI JESSE KABEL)

NAG-ABISO ang Estados Unidos sa mga bansa na pare-parehong may claimed o inaangking teritoryo na huwag gumamit ng dahas at pananakot sa paggiit sa mga teritoryo.

Ito ay bunsod ng huling kaganapan kung saan sinalpok ng barko ng Tsina na Yuemaobinyu 42212 ang  Filipino fishing vessel na F/B Gem-Ver1 noong June 9 kung saan 22 Pilipinong mangingisda ang naiwang palutang-lutang sa karagatan.

Nabatid na malaking pagpapasalamat ng embahada ng Estados Unidos, na walang nasaktan sa  22 Pilipinong mangingisda sakay ng fishing vessel at naisalba sila nang maayos ng mga  Vietnamese fishermen sa karagatang sakop ng Recto Bank o Reed bank

Matatandaang suportado ng Estados Unidos ang inilabas na United Nations arbital tribunal noong 2016 kung saan ibinasura ang pagkuha ng Tsina sa malaking bahagi ng South China Sea sa ilalim ng kanilang 9 dash line.

Samantala, ilang political observers naman ang nagsasabing ang ginawa ng Chinese na hinihinalang isang barko ng Chinese militia ay maaring basehan sa pagkilos ng US o igiit ng Pilipinas ang suporta mula sa puwersa ng mga Amerikano sa ilalim  mutual defense treaty ng US at Pilipinas.

Pinuna rin ng mga kritiko ang pananahimik ni Pangulong Duterte sa naganap na pagsalpok ng barko ng China sa naka-angkla na fishing boat ng Pinoy.

176

Related posts

Leave a Comment