Usapang magpinsan, VP Inday laglag ROMUALDEZ IUUPO NI MARCOS

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

MISTULANG binuking ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang plano ng magpinsang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez na hindi na umalis sa Malakanyang.

Ito ay dahil ipapasa umano ni Marcos kay Romualdez ang pagka-presidente sa 2028.

Sa kanyang programang Gikan sa Masa, sinasabi ng dating pangulo na nais ng magpinsan na magkaroon ng continuity sa kanilang pagiging lider ng bansa.

Malinaw na hindi nila papupwestuhin si Vice President Sara Duterte.

Matatandaang sunod-sunod na binanatan ni Duterte si Romualdez at ang Kongreso kamakailan na inilarawan pa niya bilang pinaka-korap na sangay ng pamahalaan.

Aniya, si Romualdez ay maraming pondo kaya hinamon niya ang Commission on Audit (COA) na i-audit ito.

Nagsimulang magpaulan ng maaanghang na salita ang dating pangulo laban sa Kongreso at kay Romualdez nang magdesisyon ang Kamara na i-realign ang confidential fund ni VP Sara Duterte.

Dito na rin lumutang ang pagkawasak ng UniTeam sa pagitan ng pamilyang Marcos at Duterte.

Nagdesisyon ang liderato ng Kamara na sinuportahan ng iba’t ibang political party sa kapulungan para ilipat ang P1.23 billion confidential funds sa Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang security agencies upang magamit sa pagbabantay at pagdepensa sa West Philippine Sea (WPS).

Kabilang sa halagang ito ang P500 million ng Office of the Vice President (OVP) at P150 Million sa Department of Education (DeEd) kung saan Secretary si Duterte.

182

Related posts

Leave a Comment