UTOL NI GUO, CASSANDRA ONG HULI NA SA INDONESIA

NASA kustodiya na ng Indonesian authorities ang kapatid ni Alice Guo at opisyal ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Porac, Pampanga na si Katherine Cassandra Ong.

Kinumpirma ito ni Sta. Rosa Laguna Rep. Dan Fernandez sa ikalawang araw ng Quad Committee sa ugnayan ng Pogo, Illegal drug trade at Extra-Judicial Killings (EJK) kahapon.

“Considering the communication that was sent to us as well that Cassandra Li Ong was already in the custody of the Bureau of Immigration of Indonesia. And as a matter of fact, our police attaché and the PNP chief [are] in coordination with the Bureau of Immigration of Indonesia,” ani Fernandez, chairman ng House committee on public order and safety.

Sa hiwalay na mga report kasamang naaresto ang kapatid ni Guo na si Sheila Guo na kasama sa pinaghahanap ng Senado.

Base sa mga report, nagtangkang umalis sina Ong at Guo nang maharang ng mga immigration officials.

Si Ong ay pinaghahanap din sa Kamara dahil sa patuloy na pagbabalewala nito sa imbitasyon para humarap sa imbestigasyon sa POGO sa Porac, Pampanga na sinalakay ng mga otoridad dahil sa iba’t ibang krimeng kinasasangkutan ng mga ito, partikular na ang Lucky South 99.

Naging kontroberyal si Ong matapos matuklasan na siya ang sinamahan ni Atty. Harry Roque sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) para ilakad ang problema ng Lucky South 99.

Ayon kay Fernandez, lalong napatunayang kasama ng sinibak ng mayor ng Bamban, Tarlac si Ong.

Wala pang impormasyon ang Quad Comm kung saang bansa naroroon ang sinibak na mayor subalit nakumpirmang nakaalis na ito ng bansa noong July 18, 2024.

Passport ‘Di Dapat Kanselahin

Ang hawak na passport ang magiging legal basis ng Department of Foreign Affairs (DFA) para mapauwi at mapabalik ng Pilipinas si dismissed Bamban Mayor Alice Guo at negosyanteng si Cassandra Ong, kapwa sangkot sa ilegal na operasyon ng POGO sa bansa.

Sinabi ni Justice Secretary Boying Remulla sa isang press briefing, hindi maaaring kanselahin ang passport ni Guo at ng iba pang sangkot sa POGO hub dahil vested with rights ang passport.

“How can you make them travel back to the country. You will have to issue travel documents which would be an admission that they are Filipino citizens. As far as I know it’s the DFA that reported these passport holders in the interpol. ‘Yun pagpapabalik kay Alice Guo ang pinaka-legal basis,” giit pa ni Sec. Remulla.

Inatasan ng Quad Committee ang Police attache’ na makipag-ugnayan sa Indonesia para sa pagbabalik bansa ni Ong.

Una nang sinabi ng komite na posibleng ikonsidera ng House Quad Committee ang inihaing supplemental motion for reconsideration ni Ronalyn Baterna na sangkot sa iligal na operasyon ng POGO sa bansa.

Ayon kay Quad Committee Chairman Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, dedesisyunan pa ng mga komite ang nasabing motion for reconsideration mula kay Ms. Baterna na isa sa mga resource person ng komite.

Ayon kay Rep. Dan Fernandez chairman ng House Committee on Public Order and Safety na maaaring pagbigyan ng quad comm ang inihaing motion for reconsideration ni Baterna gayong nasa kustodiya na ngayon ng Bureau of Immigration sa Indonesia si Cassandra Ong.

Si Ong na isang negosyante ay na-cite-in-contempt ng House of Representatives dahil sa hindi pagdalo sa mga pagdinig ng Kamara hinggil sa kontrobersiya sa POGO.

Bamban at Porac, Konektado

Mas lalong lumakas ang paniniwala ng Department of Justice (DOJ) na may koneksyon ang operasyon ng POGO sa Bamban, Tarlac at sa Porac, Pampanga.

Pahayag ito ni Justice Sec. Remulla sa isang briefing kasunod ng pagkakahuli kay Cassandra Li Ong sa Indonesia kasama ang pinaniniwalaang kapatid ni dismissed Mayor Alice Guo.

Taliwas aniya sa pagtanggi ni dating Sec. Harry Roque, lumalabas ngayon na konektado ang dalawang illegal POGO.

Si Ong ang itinuturong nasa likod ng operasyon ng POGO sa Porac habang ang mga Guo ang siya namang responsable sa Bamban.

Sinabi ni Remulla, kasalukuyan nang pinoproseso ng kanyang tanggapan, katuwang ang iba pang ahensya ang pagpapauwi sa dalawang inaresto. (BERNARD TAGUINOD/JULIET PACOT)

70

Related posts

Leave a Comment