Utos ni Duterte sa mga malulusutan ng mass gatherings SABLAY NA TSERMAN ARESTUHIN

0

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Philippine National Police at lahat ng law enforcement agencies na arestuhin ang barangay captain na mabibigong magpatupad ng pagbabawal ng party, picnic, at iba pang mass gatherings para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa kanyang Talk To The People, Miyerkoles ng gabi ay sinabi ng pangulo na mananagot ang kapitan ng barangay sa pagpapabaya sa tungkulin sa ilalim ng Revised Penal Code kapag nabigo itong ipagbawal ang gatherings o pagtitipon-tipon sa kani-kanilang hurisdiksyon.

Ang kautusan na ito ng pangulo ay matapos iulat ni Interior Secretary Eduardo Año ang kamakailan lamang na insidente ng mass gatherings kabilang na ang picnic at party.

“Kapag may isa pa, beginning tonight, ang unang hulihin ang barangay captain,” ayon kay Pangulong Duterte.

“I’m ordering the police to arrest barangay captain and bring him to the station and investigate him for being a derelict, dereliction of duty for having failed to enforce the law,” dagdag na pahayag nito.

Dismayado si Pangulong Duterte sa patuloy na mass gatherings sa gitna ng nagpapatuloy na pandemiya. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment