‘UV MARKS’ BAHAGI NG SECURITY FEATURES — COMELEC

comelec vote12

(NI MINA DIAZ)

NILINAW ng Commission on Elections (Comelec) na walang pre-shaded ballot o mga balotang namarkahan na bago pa ang araw ng halalan sa May 13.

Sinabi ni Comelec Executive Director Jose Tolentino, hindi totoo ang kumakalat na video sa online na may mga balotang pre-shaded na, at aniya’y hindi opisyal na balota ang nakita sa naturang video.

Aniya, bahagi lamang ng security features ng balota ang ultraviolet marks, ngunit hindi umano makikita sa mismong bilog na mamarkahan ng mga botante ang marka.

Paliwanag ni Tolentino, sinubukan na nila ito at nakita nila na hindi naman ito binabasa ng VCM (vote-counting machine).

Upang mapawi ang pangamba ng publiko, sinabi niya na sakaling may UV marks sa mga bilog ng balota ay hindi ito babasahin ng VCM.

Makikita umano sa kumakalat na video na isang scripted lamang dahil walang QR code ang balotang ginamit ng nag-upload.

Kung ang mga marka ng UV ng Comelec at ng NPO (National Printing Office) ay hindi makikita sa balota, hindi ito babasahin ng VCM dahil ang mga marka ng UV ay mayroon ding tiyak na komposisyon at ito ay ang tinta.

Kung may tangkang pekehin ang isang balota, malalaman din ito ng makina, paliwanag pa ng opisyal.

107

Related posts

Leave a Comment