(NI NOEL ABUEL)
ISINUSULONG ni Senador Imee Marcos na mailibre sa buwis ang lahat ng gamot para makatulong nang malaki sa publiko na magamit ang matitipid sa pagkain at iba pang pangangailangan.
Ayon kay Marcos, naniniwala itong hindi lang dapat ang mga maintenance medicine para sa mga sakit na diabetes, high cholesterol, at hypertension ang mailibre sa buwis kung hindi ang lahat nang mga gamot.
“With food making up 70 percent of the poor man’s budget, Marcos also proposed to earmark VAT proceeds specifically for food vouchers and welfare programs,” aniya.
Samantala, iginiit ni Marcos na dapat pag-aralan muli ang poverty reduction data at mga programa para makahabol ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya.
“Why is it that the Philippines has a high growth rate among ASEAN countries but we have lagged behind our neighbors like Indonesia and Vietnam in terms of poverty reduction,” ani Marcos.
Aniya, sa kabila ng maraming poverty programs ang pamahalaan tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay marami pa rin ang nagugutom sa bansa.
“If we can bring Mindanao out of poverty, we will have reduced the number of poor in the entire Philippines by 40 percent. The government must have a systematic way of measuring poverty reduction. Our success in Ilocos Norte owes to the specific programs and measures we have taken to put a stop to inter-generational poverty,” sabi nito.
143