VAT SA PRODUKTONG PETROLYO PINASUSUSPINDE

0

ISINUSULONG ni Senadora Imee Marcos ang panukala na magbibigay kapangyarihan sa pangulo ng bansa na ibaba o suspendihin ang pagpapataw ng Value-Added Tax sa mga produktong petrolyo sa loob ng isang taon, sa panahon ng national emergency o state of calamity.

Sa kanyang Senate Bill 2320, sinabi ni Marcos na dahil sa COVID 19 pandemic, maraming Pinoy ang naapektuhan ang kabuhayan at pinatindi pa ang paghihirap dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo kahit hindi pa nakakabangon sa krisis.

Simula anya nang ipatupad ang Train Law, patuloy din ang pagtaas ng presyo ng oil products na may domino effect sa presyo ng pangunahing pangangailangan at serbisyo.

Bunsod nito, iginiit ni Marcos na panahon nang magkaroon ng depensa ang mga mamamayan sa mataas na presyo ng mga bilihin sa panahon ng kalamidad upang matiyak din ang kanilang pagbangon.

Sa kanyang panukala, aamendahan ang National Internal Revenue Code of 1997 at ilalagay ang probisyon na ng karagdagang kapangyarihan sa Pangulo.

Bukod sa ipinapataw na VAT sa oil products, bibigyan din ng kapangyarihan ang Pangulo na ibaba o suspindihin ang ipinapataw na buwis sa importation ng petroleum products sa panahon ng kalamidad. (DANG SAMSON-GARCIA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment