VILLAR AWARD TOP YOUTH SOCIAL ENTERPRISES

NAGPAKUHA ng larawan ang mga outstanding youth organization kasama sina Senator Cynthia Villar at dating Senate President Manny Villar matapos tumanggap ng tropeo at cash reward bilang “Most Outstanding Youth Social Enterprises” sa 7th Villar Foundation Youth Poverty Reduction Challenge na ginanap sa Villar SIPAG sa Las Piñas City nitong Hulyo 25.

Hinihikayat ng kompetisyon ang mga kabataan na kumilos at lumahok sa mga pagsisikap na mabawasan ang kahirapan.

Ang walong nanalo ay nakatanggap ng P150,000 cash reward at tropeo, habang ang tatlo pa ay binigyan ng tig-P100,000 at tropeo bawat isa.

Tatlong grupo ng kabataan mula sa Las Piñas ang binigyan ng espesyal na pagkilala at nakatanggap ng tig-P75,000 at certificate.

Kasama rin sa larawan ang mga batang Villar na sina Senator Mark Villar ; Paolo Villar, CEO – Vista Land and Lifescapes Inc., at Deputy Speaker Camille Villar. (DANNY BACOLOD)

73

Related posts

Leave a Comment