VILLAR BINIGYAN NG AWARD MGA NANALO SA 16TH LAS PINAS PAROL FESTIVAL

BINIGYAN ng award nina Senator Cynthia Villar, ex-DPWH Sec. Mark Villar at Deputy Speaker Camille Villar, ang mga nanalo sa Las Piñas City annual parol-making competition, na ngayo’y nasa ika-16th taon, bilang commitment na suportahan ang lantern industry na sanhi upang maging parol-making capital ng Metro Manila ang siyudad.

Sa kabila ng hamong dulot ng coronavirus pandemic, kinilala ni Villar ang matinding pagpupursige ng Las Piñeros na gumawa ng kakaiba at environment-friendly parol kaya nangingibabaw ang Las Piñas lanterns.

Ipinahayag ni Villar na masaya at ipinagmamalaki niya na “we have once again risen up to the challenge of honoring our annual tradition and spread holiday cheer and hope this season.”

Pinangunahan ni Sen. Villar ang virtual awarding ceremonies sa Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance) Hall.

Pinagkalooban ng awards ang mga sumusunod na nagwagi sa taunang parol – making contest. Ang mga ito at ang kanilang premyo:

Grand Winner: Luzviminda Gallardo P20,000

1st Runner-Up:Idelfonso Esguerra – P15,000

2nd Runner-Up: Emeterio Cabasali – 10,000

Bahagi ng adbokasiya ni Villar ang patimpalak upang isulong ang garbage recycling at efficient solid waste management.

“Entries from the Samahang Magpaparol ng Las Piñas used recyclable materials such as shampoo sachets, soap cartons, straws, PET bottles, cans, tetra packs, newspapers used CDs and cardboard boxes as well as organic items like clam and mussel shells,” said ni Villar.

Gumamit din sila ng bunot ng niyog at tuyong dahon sa kanilang entry. Kawayan ang kanilang ginamit na frame ng parol. May labin-dalawang kalahok ang sumali sa contest.

Kabilang sa contest mechanics ang ingenuity at resourcefulness, 30 percent; creativity, 25 percent; impact, 30 percent; at technical skills, 15 percent na may total 100 percent.

Brainchild ni Villar ang Parol Festival noong kinatasan siya ng Las Piñas dahil sa layunin itulak at pagyamanin ang parol-making industry sa siyudad.

“Las Piñas City is home to three generations of parol makers who use bamboo frames. Bamboos may have grown abundantly in the area long before, as it is likewise the home of the world-famous Bamboo Organ built in 1824,” dagdag pa ng senador. (ESTONG REYES)

1

Related posts

Leave a Comment