VILLAR KINASTIGO SA PANGHAHAMAK SA MGA MAGSASAKA

HINDI pinalagpas ng grupo ng mga magsasaka ang mababang tingin umano sa kanila ni Sen. Cynthia Villar matapos nitong palabasin na ignorante sila sa climate change.

“Elegance or even propriety really eludes egoistic and inept hypocrites. Stop looking down at us,” ani Kilusang Magbubukid ng Pilipinas chairman Danilo Ramos kay Villar.

Reaksyon ito ni Ramos matapos sabihan ni Villar ang mga opisyales ng Department of Agriculture (DA) sa kanilang budget hearing ng “wag niyong iasa sa farmers at fisherfolk kasi sila hindi naman nila naiintindihan ‘yang climate change.”

Ipinamukha ni Ramos sa Senador na sa loob ng ilang dekada ay tinutulan na nila ang “green revolution” dahil sa kemikal na ipinagagamit sa pagsasaka na sumira umano sa traditional-organic farming sa bansa.

“Since the 1980s, we have been advocating farmer-led research and development of seed varieties and other farming technologies. But alas, government officials act as if they have nothing to learn from peasants. Because of this, they become part of the problem,” ani Ramos.

Nakadagdag problema rin umano si Villar sa mga magsasaka dahil mula nang maging chairperson ito ng Senate committee on agriculture and food, agrarian reform at natural resources noong 2013 ay lumala na ang kalagayan ng mga magsasaka.

Isa sa pangunahing batas na ginawa umano ni Villar na nagpabagsak sa kabuhayan ng mga magsasaka ang Rice Tariffication Law na naging dahilan ng pagbaba ng presyo ng palay at pagbaha ng imported rice sa bansa.

Samantala, naniniwala ang isang kongresista na mabibigo si election lawyer Romulo Macalintal na maharang ang Republic Act (RA) 11935 na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataang Election (BSKE).

“The law is constitutional and is a valid and legal legislative act of the Congress,” ani Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez.

Ayon sa mambabatas, walang probisyon sa Konstitusyon na nagbabawal na ipagpaliban ang barangay at SK election. (BERNARD TAGUINOD)

34

Related posts

Leave a Comment