(NI HARVEY PEREZ)
NANANATILING nasa una at pangalawang puwesto sa senatorial race sina Senators Cynthia Villar at Grace Poe sa partial and unofficial results ng Commission on Elections (Comelec) Transparency server.
Sa pinakahuling resulta na inilabas dakong alas 9:08 ng umaga , nasa 98.08 na ang pumasok na election returns.
Sa resulta, nabatid na si Villar ay nakakuha ng 25,080,955 boto,habang si Poe ay 21,890,811 boto.
Si dating Special Assistant to the President Bong Go ang nasa ikatlong puwesto na may botong 20,409,479.
Sumunod naman sina :
Taguig Representative Pia Cayetano: 19,606,794
dating Bureau of Corrections chief Ronald “Bato” dela Rosa: 18,761,705
Senator Sonny Angara: 18,021,336
Dating Senador Lito Lapid: 16,857,682
Ilocos Norte Governor Imee Marcos: 15,709,304
Dating Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino: 15,333,150
Dating Senator Bong Revilla: 14,518,607
Senator Koko Pimentel: 14,518,313
Senator Nancy Binay
14,431,096.
Kaugnay nito, nasa 87.43% na o 146 ng 167 ang nabilang na ng Comelec official tally mula noong alas 7:20 ng gabi ng Biyernes.
120