VIRAL ‘GIL TULOG’ ROAD SIGNS BINAKLAS NA

PUYAT na ulit si Gil!

Reaksyon ‘yan ng netizens matapos ipabaklas ni Makati City Mayor Abby Binay ang road signs na “Gil Tulog” sa kanyang lugar.

Ang ‘Gil Tulog Ave.’ ay isang advertising campaign na ipinalit sa street sign na Gil Puyat Avenue.

Huwebes ng gabi nang bulabugin ang social media ng posts ng mga netizen na nagtatanong kung totoong wala nang Gil Puyat Ave. sa Makati.

Ito’y matapos may mag-post ng video kung saan makikita ang bagong pangalan ng kalye.

“Legit?” Ang karaniwang tanong ng mga nakapanood sa video at dito na nagsimulang uriratin ng mga netizen ang katotohanan.

“So apparently the temp change from Gil Puyat to Gil Tulog is just a marketing tactic from a melatonin brand “W.” Lumusot to sa Makati LGU? For what price? Not considering the disrespect to former Sen. Gil Puyat and possible confusion to new makati visitors and motorists?” ayon naman sa isa pang netizen.

“This is a disrespect to Senator Gil Puyat. For what? For clout? Shame,” ayon naman sa isa pa.

Dahil dito, nakarating kay Binay ang pangyayari kaya kinabukasan ay agad binaklas ang road sign at ibinalik ang orihinal.

Ayon sa alkalde, hindi nakarating sa kanyang opisina ang campaign proposal na palitan ang street sign na Gil Puyat Avenue.

“It is unfortunate that the request for a permit for the so-called advertising campaign to change the street signs of Gil Puyat Avenue did not reach my office. Kung dumaan sa akin yan, rejected yan agad,” aniya.

Dapat ay naging maingat aniya ang mga opisyal ng lungsod na nagbigay ng permit at dapat ay sinuri itong mabuti.

“Dapat inisip ang kaguluhan na maaaring idulot sa mga motorista at komyuter. At dapat ay binigyang halaga ang respeto sa pamilya at sa alaala ni dating Senate President Gil Puyat. I have already reprimanded these officials for this glaring oversight,” ayon pa sa alkalde.

Humingi rin ng paumanhin ang alkalde da publiko sa kaguluhang naidulot ng ad campaign maging sa pamilya ng yumaong senador.
Si Gil Puyat ay nagsilbing Senate President noong 1967.

173

Related posts

Leave a Comment