NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi deserve ni Vice President Sara Duterte na ma-impeach sa kabila ng naging pahayag ng isang mambabatas na pinag-uusapan na ito ng ilang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
“Binabantayan namin nang mabuti because we don’t want her to be impeached, we don’t want her to… she does not deserved to be impeached so we will make sure that this is something we will pay very close attention to,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam.
Tinuran pa ng Pangulo na ang “impeachment talks” ay hindi karaniwan.
“Well, lahat naman kami mayroong ganyan eh (we all have detractors). So, I don’t think it’s particularly unusual, I don’t think it’s particularly worrisome,” anito.
At nang tanungin kung mayroong anomang bitak sa UniTeam, sinabi ng Pangulo na “I don’t think so. Mas tumitibay nga eh.”
Inilarawan din ng Pangulo ang kanyang relasyon kay Duterte ay “excellent.”
“On a professional level, nothing but good things to say about the work she has done in the Department of Education,” ayon sa Chief Executive.
Pagdating naman sa personal level, sinabi ng Pangulo na magkasundo naman sila ni VP Sara.
(CHRISTIAN DALE)
343