VP SARA NANINDIGAN LABAN SA ‘PAMUMULITIKA’ NG KAMARA

PINANINDIGAN ni Vice President Sara Duterte na pulitika ang nasa likod ng patuloy na pagdinig ng Kamara ukol sa paggamit ng pondo ng kanyang tanggapan.

“The hearings in the House of the Representatives are politically motivated,” saad ni Vice President Sara Duterte sa isang press conference kamakailan.

Ayon kay VP Sara, nagsimula ang lahat ng pag-atake sa kanya partikular sa kanyang confidential funds nang magkita noong nakaraang taon ang mga miyembro ng Makabayan Bloc at si House Speaker Martin Romualdez.

Dahil dito aniya ay nagkaroon ng pagdinig ang House committee on good government and public accountability na hinahanapan siya ng mali para ma-impeach.

“Ang problema sa kanila kasi wala talaga silang makita na evidence of wrongdoing.

“That is why pinipilit talaga nila na maghanap ng katiwalian kumbaga diyan sa mga hearings nila na hanggang ngayon hindi pa rin nila kinukuha, sinisira lang nila nang sinisira ‘yung institusyon, ‘yung integrity ng dignity ng institusyon ng Office of the Vice President,” ani VP Sara.

Binanggit din ng Bise Presidente na ikinasasama ng kanyang loob na dinadamay ng ilang kongresista ang mga empleyado ng kanyang tanggapan.

Nang matanong naman kung plano niyang tumakbo sa 2028 Presidential elections, tumanggi si VP Sara na magbigay ng tiyak na sagot.

“December 2026 would be the best time kung tatakbo ako sa 2028,” aniya.

“Ang buhay kasi natin, hindi natin alam kung anong mangyayari bukas. You can only plan but it is always God’s purpose shall prevail,” ayon pa sa Bise Presidente.

Kasabay nito, pinaalalahanan niya ang mga botante ngayong 2025 midterm elections laban sa mga kandidato mula sa Makabayan bloc tulad ng ACT Teachers.

“Sa mga botante pag-isipan niyo kung susuportahan ninyo ang ACT Party-list. Kasi kahit na convicted na sa child abuse ‘yung kanilang nominee ay hindi pa rin nila pinapalitan.”

“Hindi tama na isang grupo, na isang party-list ng mga teachers ang kanilang nominee ay isang taong convicted with the crime of child abuse,” aniya.

78

Related posts

Leave a Comment