VP SARA TOP PRESIDENTIAL CONTENDER SA 2028

SI Vice President Sara Duterte ang mas pinaboran na presidential candidate sa 2028 elections, base sa pinakabagong non-commissioned opinion survey na ginawa ng Oculum Research and Analytics.

Sinabi pa sa survey na nakakuha si VP Sara ng 25.4% voter preference, dahilan para maging ‘top presidential contender’ ito sa survey.

Gayunman, dumausdos ang suporta sa kanya kumpara sa 42% voter preference score na nakuha niya sa first quarter survey.

Sa kabilang dako, si Senator Raffy Tulfo ang pumangalawa sa pwesto sa pinakabagong poll na may 18.5%. Sinundan siya ni dating VP Leni Robredo na may 10.6%, Senator Imee Marcos na may 5.7%; dating Manila Mayor Isko Moreno na may 4.8%, at dating Senador Manny Pacquiao na may 3.1%.

Bumuntot naman si Senator Risa Hontiveros sa pang-pito na may 2.9%, Senator Robin Padilla na may 2.6%, habang pang-siyam si House Speaker Martin Romualdez na may 0.8%.
Tinatayang 20.4% ng respondents ang nagsabi na nananatili silang undecided habang 4.3% ang sumagot ng ‘none of the above.’

“Inday Sara Duterte emerges as the current frontrunner with widespread support, particularly in Mindanao. Senator Raffy Tulfo, while second overall, shows a broad appeal across various regions. Former VP Leni Robredo, although third, has concentrated support in Southern Luzon,” ang sinabi ni Dr. Racidon Bernarte, Oculum Research Head and Managing Director of the Asia-Pacific Consortium of Researchers and Educators Inc. (APCoRE).

“The high percentage of undecided voters and those opting for none of the above highlights potential volatility and opportunities for candidates to sway the electorate as the election approaches,” ang sinabi ni Bernales.

Samantala, si Tulfo naman ang top choice para sa vice-presidential candidates sa 2028 elections na may 20%. Sinundan siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na may 16%; Robredo na may 7%; Moreno na may 6%; at Hontiveros na may 6%.

Pumwesto naman si Senator Bong Go sa pang-anim na may 5%; Padilla ay pang-7 na may 4%; Pacquiao, pang-walo na may 4%, at Marcos na may 4%. Si Romualdez ay nasa ranked na pang-9 na may 1%.

Si dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, naman ang nanguna sa listahan ng Senate candidates para sa 2025 national at local elections (NLE) na may 56%. Rep. Erwin Tulfo naman ang pangalawa na may 52%; Pacquiao, pangatlo na may 45%; Moreno, pang-apat na may 45%; at Rodrigo Duterte, na may 43%.

Tinatayang 1,200 Filipino adults ang lumahok sa Oculum second quarter poll na isinagawa mula June 25 hanggang June 30, 2024, sa pamamagitan ng face-to-face na panayam. Mayroon itong sampling error margin na ±3% at mataas na confidence level na 95%.

Ginawa ng Oculum ang survey kasama ang APCoRE, isang professional organization ng mga akademya at mananaliksik, Areopagus Communications Inc., at PressOne.PH. (CHRISTIAN DALE)

84

Related posts

Leave a Comment