‘Wag mabahala sa pagtaas ng kaso – Malakanyang NAMAMATAY SA COVID-19 SA PINAS, KAKAUNTI

WALANG dapat ipangamba ang publiko kung patuloy na tumataas ang bilang ng mga confirmed COVID-19 cases sa bansa.

Ang katuwiran ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay mababa naman kasi ang mortality rate ng Pilipinas mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“You will see that the Philippines, ratio and proportion, vis-a-vis with the population, we have a low rate of mortality here in this country,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public message nitong Huwebes.

“All in all, para sa akin, hindi naman masama ito,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

Sa ulat, ‘as of 4 p.m.’, araw ng Huwebes, ang Pilipinas ay nakapagtala ng 539 bagong COVID-19 cases, pinakamataas na bilang na napaulat ‘in a single day’ simula nang mag-umpisa ang pandemic.

Sa ngayon, may kabuuang bilang na 15,588 na ang confirmed COVID-19 case na may 921 deaths at 3,598 recoveries.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay mayroong estimated population na 108 million, ayon sa Philippine Statistics Authority.

At habang naghahanda ang gobyerno para sa relax lockdown, nakapagtala ang bansa ng 539 bagong COVID-19 cases.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na ang pagsirit ng kaso ng COVID-19 ay bunsod ng pagtaas sa bilang ng validated cases.

Aniya, mayroong ilang laboratoryo ang nahihirapan sa kanilang validating process.

Ayon pa sa Kalihim, 90 percent ng COVID-19 cases sa bansa ay mild cases habang ang severe to critical cases ay less than 2 percent lamang. CHRISTIAN DALE

68

Related posts

Leave a Comment