(NI NOEL ABUEL)
KUNG si Senador Panfilo Lacson ang tatanungin ay mas mabuting pag-usapan na lamang ang kontrobersyal na P50M cauldron pagkatapos ng SEA Games.
Ayon kay Lacson, hindi malayong maging usap-usapan ang Pilipinas hinggil sa malaking gastos sa Sea Games sa halip na sa international event.
“As much as possible gusto ko ang discussion tungkol sa SEA Games after the Games. Baka sa halip ma-focus tayo sa international event na iho-host natin, baka ang focus mapunta sa sinasabing excessive, questionable or masyadong extravagant na paggastos,” sabi pa ni Lacson sa Kapihan sa Senado.
Giit nito, may tamang panahon para pag-usapan o imbestigahan ang nasabing usapin subalit hindi sa mismong panahon ng nasabing palaro.
Nangangamba aniya ito na baka maapektuhan ang mga Pinoy athletes at hindi makapag-concentrate kung kaya’t hindi dapat pag-usapan kontrobersya habang ginaganap ang SEA Games.
“There’s a time for that. I’d rather that we discuss that or even investigate after the Games. Kasi baka pati ang mga athletes natin maapektuhan, di maka-focus, kasi baka magkaroon ng perception mali o tama, pero nasa isip nila hindi sila maka-focus sa Games. Pati organizers baka madiskaril ang focus nila para maging maayos ang pagdadaos ng Games sa atin,” paliwanag pa ni Lacson.
253