WALA PANG HUMIRIT NG PONDO SA COVID TESTING NG MSMEs WORKERS – PDU30

WALA pang ahensiya ng pamahalaan ang nag-request ng pondo para suportahan ang COVID-19 testing ng mga empleyado ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs).
Ito ang nakasaad sa 10th weekly report ng Pangulo sa Kongreso.

“As regards the funding for the testing of MSME employees, the DBM [Department of Budget and Management] has yet to receive any request from concerned departments/agencies of the government for purpose,” ayon sa Chief Executive.

“We wish to assure Congress that once a request is received, the same will be evaluated based on the recommendation of competent authorities relative to testing, as well as the IATF [Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases].” ayon sa Pangulo.

Kamakailan ay hiniling ng People Management Association of the Philippines (PMAP) sa pamahalaan na ikonsiderang balikatin o sagutin ang halaga ng COVID testing para sa mga MSME employees dahil na rin sa limitadong financial capacity ng kanilang negosyo.

“Including them in testing programs is therefore essential to MSME owners, to ease the burden of having to bear the social and financial costs of the global health crisis,” ayon sa kalatas ng PMAP.

Sa kabilang dako, base sa latest data ng Department of Trade and Industry, may 99.52% ng kabuuang 1.003 million business establishments sa bansa ‘as of 2018’ ay pawang MSMEs.

“Micro enterprises are defined as those with total assets worth less than P50,000; cottage enterprises with assets worth P50,001 to P500,000; small with P500,001 to P5 million; and medium from over P5 million to P20 million,” ayon sa ulat.

Marami namang industriya at negosyo ang pinayagan nang mag-resume ng kanilang operasyon matapos simulan ng pamahalaan na paluwagin ang restriksyon noong nakaraang buwan.

Ang mga empleyado ay hindi na nire-require na sumailalim sa COVID-19 bago pa magbalik-trabaho.

Sinabi naman ng Labor department na tanging ang mga empleyado na nagpakita ng sintomas ng COVID-19 ang kailangan sumailalim sa test habang ang mga employer naman ay kailangan na magpatupad ng precautionary measures gaya ng disinfection ng pasilidad at probisyon ng hand sanitizers at face masks. CHRISTIAN DALE

96

Related posts

Leave a Comment