WALANG BANTA VS XI JINPING VISIT

Paniniyak ng Metro Manila police, walang nakaambang bantang panganib sa state visit ni Chinese President Xi Jinping.

SI Xi ay kasalukuyang nasa bansa para sa kanyang unang state visit sa Filipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay NCRPO director, Chief Supt. Guillermo Eleazar, nasa 6,000 police officers ang itinalaga ng mga awtoridad  para sa nasabing pagbisita ng lider ng China habang  itinaas ang full alert status hanggang ngayong Miyerkoles.

Napag-alaman, may nakapuwestong mga anti-riot police sa mga rutang daraanan ni  Xi  upang matiyak ang kanyang seguridad.

Habang ang Konsulado ng China sa Makati City ay binarikadahan ng mga pulis at  nilagyan ng lubid ang g harapan ng tanggapan.

Samantala, ang mga nagpoprotesta ay hinarangan upang hindi makapasok sa venue sa dadaluhang engagements ni Xi at sa mga rutang kanyang daraanan.

Nauna rito, nag-usap sina Bayan Secretary General Renato Reyes at Makati Chief of Police Sr. Supt Rogelio Simon, sa mga dapat at hindi dapat gawin sa programang ikinasa ng mga militante sa harapan ng konsulado ng China.

8

Related posts

Leave a Comment