HINDI dapat pangambahan sa darating na halalan ang kampo ng mga Duterte.
Ito ang hayagang iginiit ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation (PAPA) Secretary Larry Gadon, patungkol sa mga pahayag na si VP Sara Duterte, ang mabigat na kandidato sa darating na presidential elections sa 2028.
“The Dutertes are not major formidable political brand. Philippine politics is divided into two major groups – Marcos vs Aquino. Now is second generation rivalry, but while Marcos has heirs to the Marcos brand, the Aquino brand name only has closest kin Bam Aquino and extended by yellow Liberal party stalwarts who solidly and un-bashly espouse the Ninoy Aquino brand,” paliwanag ni Gadon.
Dagdag pa ng Malacañang official, nanalo lamang si dating pangulong Rodrigo Duterte noong 2016, dahil sa suporta ng mga Marcos loyalist.
“In 2016 BBM got 15M votes …Miriam got 2.5M, which shows 12.5 M Marcos votes strayed to Duterte due to his promise to bury the old Marcos to LNB (Libingan ng mga Bayani),” paliwanag pa ni Gadon.
Inindorso man ni Duterte noon si Alan Cayetano sa mga TV,v at radio ads, billboards, posters at mga rallies bilang kanyang kandidato para sa pagka-Bise-Presidente, nakakuha lamang ito ng mga 5M laban sa 15M votes ni BBM.
Ipinakikita raw nito na si dating pangulong Duterte noong halalang iyon, ay mayroong tinatayang mga 2M solid votes, para kay Alan Cayetano na mayroon din humigit kumulang na 3M botante.
“Hence Duterte votes is just imaginary… He got 15M votes in 2016 due to Marcos votes. BBM got 31M, double than Duterte,” paliwanag uli ng opisyal.
Si Sara aniya, ay mas mataas na bilang ng boto ang nakuha dahil bukod sa pagkakasama niya sa mga boto ng mga maka-BBM, mayroon din bumoto ng Isko- Sara, Pacquiao-Sara at Ping-Sara.
“Walang tao ang mga Duterte. Konti lang. That is why their Maisug rallies are all dud. Mas marami pang tao ang interesado manood ng bakla beauty contest sa mga peryahan,” giit pa ni Gadon.
Kaya kahit na popular ang isang kandidato sa pagka-presidente gaya nila Isko, Pacquiao at Lacson noon, halos 2M hanggang 3M votes lang ang kanilang nakuha, dahil ang mayorya ng mga botante ay nasa kampo ng mga Marcos at Aquino, ayon pa kay Gadon.
“It cannot be discounted that the yellows or Aquino votes remain formidable, they have a consistent average of 15M votes. Leni, Binay, others like Mar, Bam also get a low of 13M to 15M,” paliwanag pa ni Gadon.
Naipanalo umano ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang mga kandidato niya sa pagka-senador nang sumunod ang mid-term elections noon, dahil lamang sa Smartmatic.
Kaya kung tatakbo si Bise-Presidente Sara para maging pangulo sa 2028, mapalad na ito kung makakuha ng 3M votes. At lalong masuwerte kung 4M na boto ang maitatala nito.
“Saan siya kukuha ng boto? Sara will not get Marcos votes, neither Aquino yellow votes, lalo hindi ng Communists Left votes,” ang sabi ni Gadon.
“Kulelat si Sara,” dagdag pa ng opisyal, na dati rin sumasali sa pulitika at naging campaign strategist, political consultant nila dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, at mismong ni Rodrigo Duterte. Si Gadon ay isang original Marcos loyalist.
62