WALANG HOKUS-POKUS SA BULACAN AIRPORT — DOTr

(NI MAC CABREROS)

SINISIGURO ng gobyerno na pabor sa mamamayan ang itatayong New Manila Airport sa Bulacan.

Inihayag ito ng Department of Transportation (DOTr)  bilang tugon sa alegasyong sinasadyang i-delay ang paggawa sa Bulacan airport.

Ayon sa DOTr, masusing pinaplantsa lamang ang concession agreement alinsunod sa kahilingan ng Department of Finance (DOF) sa Department of Justice na suriing mabuti ang nilalaman ng kasunduan.

“There are no objections to the concession agreement, merely clarifications sought on the phrasing of provisions on material adverse government action (MAGA) for situations where the government
deviates from contractual obligation and as such is required to compensate a private entity, as well as the cap on liability in relation to operational performance and deliverables,” sabi DOTr sa statement.

“The need for such clarification derives from the imperative of ensuring that the contracts we enter into, especially those that shall span for decades, are indeed favorable to the Philippine government,”
dagdag statement.

Ayon pa DOTr, suportado nila ang proyekto at tinitiyak lamang nila na walang butas sa kontrata kung saan malalagay sa balag ng alanganin ang gobyerno at buong sambayanan.

“Ultimately, these are all in adherence to tenets of good governance.  No more, no less,” pagtatapos DOTr.

 

165

Related posts

Leave a Comment