WALANG SPECIAL TREATMENT SA CELEBRITY SA NARCO LIST — DU30

DUTERTE250

(NI BETH JULIAN)

TINIYAK ng Malacanang na walang gagawing pagbibigay ng special treatment si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sangkot sa ilegal na droga, nasa gobyerno man o artista.

Sa press briefing nitong Biyernes sa Malacanang, sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na patas ang gagawing pagtrato ni Duterte sa lahat ng mga pangalan na nasa narco list ng  PNP at watchlist ng PDEA.

Ayon kay Panelo, pag-aaralan din ng Pangulo ang celebrity list ng PDEA at isasapubliko rin ito tulad ng ginawa sa narco list ng PNP na pawang mga politiko naman.

Sinbi ni Panelo na ikokonsidera ng Pangulo ang lahat ng pros and cons ng pagsasapubliko ng sinasabing celebrity list.

Matatandaan na bago isinapubliko ng Pangulo ang narco list ay dumaan muna ang mga impormasyon sa beripikasyon at nakasuhan na muna sa Office of the Ombudsman at korte.

Una nang iniulat ng PDEA na nasa 31 artista ang nasa drug watchlist na kasalukuyan nilang minomonitor kabilang na ang isang love team.

 

 

 

113

Related posts

Leave a Comment