(NI AMIHAN SABILLO)
MGA ‘fugitive’ o takas na bilanggo ang halos 2,000 presong pinalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance.
Ito ang pananaw ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde lalo pa’t hindi na-validate nang husto ang release order ng mga ito.
Ayon kay Albayalde, lumabas na hindi nasala ang pagpapalaya sa mga presong ito at maaring ipatupad ang warrantless arrest laban sa mga ito.
Dahi dito, handa ang PNP na makipagtulungan sa Bureau of Corrections (BOC) para ma-account ang lahat ng mga pinalayang preso kung kakailanganin na ibalik sa kulungan ang mga pinalayang convict.
Sa ngayon umano ay sinusubaybayan ng PNP ang ‘development’ at nakahandang tumalima sa anumang kautusan ng mga nakatataas.
Matatandaan na kinuwestyon ng ilang mga mambabatas ang pagpapalaya sa mga nahatulan sa heinous crimes, at nanindigang hindi kwalipikado ang mga ito sa GTCA law.
PUGANTE
Handa ang Philippine National Police ma muling arestuhin ang mga ex-convict na napalaya na sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance.
Sakaling tuluyan bawiin ng Department of Justice ang nauna nilang kautusan ay iisa-isahin nilang tugisin ang mga nakalaya.
Inamin ni Albayalde na nakababahala sa PNP ang pagpapalaya sa mga nahatulan sa heinous crimes tulad ng mga rapists, murderer.
133